Teleflex Arrow EZ-IO Instructions For Use Manual page 58

Power driver
Hide thumbs Also See for Arrow EZ-IO:
Table of Contents

Advertisement

Available languages
  • EN

Available languages

  • ENGLISH, page 1
Inirerekomendang layo ng pagkahiwalay ng mga portable at mobile RF
na pangkomunikasyong kagamitan at ng EZ-IO® Power Driver
Ang EZ-IO® Intraosseous Vascular Access Driver ay nakalaan para gamitin sa isang electromagnetic
na kapaligiran kung saan kontrolado ang mga radiated RF disturbance. Ang customer o ang gumagamit
ng EZ-IO® Intraosseous Vascular Access Driver ay makakatulong na mapigilan ang electromagnetic
interference sa pamamagitan ng pagpapanatili ng minimum na layo sa pagitan ng mga portable
at mobile RF communications na kagamitan (mga transmitter) at ng EZ-IO® na inirerekomenda
sa ibaba, alinsunod sa maximum na output power ng pangkomunikasyong kagamitan.
Layo ng pagkahiwalay ayon sa frequency ng transmitter m
Rated na maximum
output power
150 kHz hanggang
ng transmitter
80 MHz
W
d = 3,5
P
V
1
0,01
0,12
0,1
0,38
1
1,2
10
3,8
100
12
Para sa mga transmitter na na-rate sa maximum na output power na hindi nakalista sa itaas,
ang inirerekomendang layo ng pagkahiwalay d sa metro (m) ay matatantya gamit ang equation
na naaangkop sa frequency ng transmitter; kung saan ang P ay ang maximum output power rating
ng transmitter sa watts (W) ayon sa manufacturer ng transmitter.
PAALALA 1 Sa 80 MHz at 800 MHz, naaangkop ang layo ng pagkahiwalay para sa mas mataas na saklaw
ng frequency.
PAALALA 2 Maaaring hindi naaangkop ang mga patnubay na ito sa lahat ng sitwasyon.
Ang electromagnetic propagation ay naaapektuhan ng absorption at reflection mula sa mga istruktura,
bagay at tao.
• Ang medikal na electrical na kagamitan ay nangangailangan ng espesyal na pag-iingat hinggil sa EMC
at kinakailangang ma-install at magamit alinsunod sa impormasyon sa EMC na ibinibigay sa manual na ito.
• Ang portable RF communications na kagamitan ay kailangang gamitin nang hindi na mas lalapit pa sa
30cm (12 pulgada) sa anumang bahagi ng the EZ-IO® Power Driver kabilang ang mga kableng tinukoy ng
manufacturer. Kung hindi, maaaring magresulta ito sa hindi magandang pagganap ng kagamitan.
• Ang paggamit ng mga accessory, transducer at kable na hindi tinukoy ng manufacturer ay maaaring
humantong sa mas mataas na mga emission o mahinang immunity ng EZ-IO® Power Driver.
• Dapat obserbahan ang EZ-IO® Power Driver upang matiyak ang normal na paggana sa kumpigurasyon
kung saan ito gagamitin.
• Ang EZ-IO® Power Driver ay idinisenyo at sinubukang patakbuhin nang paulit-ulit nang may nakatakdang
cycle na 10 segundong naka-on, 1 minutong naka-off sa loob ng 5 magkakasunod na cycle. Maglaan ng
1 oras para palamigin.
• Mga Kondisyong Pangkapaligiran sa Paggamit: -20° hanggang + 40°C; 0 hanggang 90% na
Relative Humidity
Uri ng Kagamitan
Uri ng proteksyon laban sa pagkakuryente
Antas ng proteksyon laban sa electric shock.
Antas ng proteksyon laban sa pagpasok ng
tubig at partikulo
Antas ng kaligtasan o paggamit kapag
may malapit na flammable anesthetic mixture
80 MHz hanggang
800 MHz hanggang
800 MHz
2,5 GHz
d = 3,5
P
d = 7
P
E
E
1
1
0,12
0,23
0,38
0,73
1,2
2,3
3,8
7,3
12
23
NA kagamitan na pinapatakbo nang hindi
nakasaksak
Type BF na inilalagay na bahagi
IP33
Hindi naaangkop na gamitin ang kagamitan
kapag may malapit na flammable anesthetic
na mixture na may hangin o may oxygen
o nitrous oxide
IMPORMASYON SA WARRANTY
LIMITADONG EXPRESS WARRANTY AT MGA DISCLAIMER NG TELEFLEX
Nagbibigay ng warranty ang Teleflex sa orihinal na end user lang ng Mga Produkto ("End User") sa nalalapat
na Panahon ng Warranty basta't: (a) susunod ang mga hardware ng Produkto sa mga nakasulat na detalye
ng produkto para sa mga naturang Produkto sa lahat ng mahalagang aspeto nang mas maikli sa (i) isang taon
pagkatapos ng paghahatid sa End User o (ii) sa bilang ng paggamit sa naturang hardware ng Produkto gaya
ng tinukoy ng Teleflex sa nakasulat nitong mga detalye ng produkto, at (b) susunod ang mga natatapong
Produkto sa mga nakasulat na detalye ng produkto para sa mga naturang Produkto sa lahat ng mahalagang
aspeto hanggang sa petsa ng expiration na nakatalaga sa mga naturang natatapong Produkto (kapag
magkakasama, ang "Panahon ng Warranty"), maliban na lang kung ang mga Produkto ay napailalim sa pisikal
na pang-aabuso, maling paggamit, hindi normal na paggamit, paggamit na hindi alinsunod sa mga
nakalathalang direksyon at tagubilin sa paggamit ng Teleflex, pandaraya, pakikialam, hindi karaniwang pisikal
na diin, pagpapabaya o mga aksidente ("Express Warranty"). Hindi ginagarantiya ng Teleflex na ang paggana
ng hardware ng Produkto ay hindi magiging naaantala o walang error. Alinsunod sa pasya ng Teleflex,
kukumpunihi, papalitan o ire-refund nito ang presyo sa pagbili sa End User para sa Produktong matutukoy ng
Teleflex na non-conforming ("Mga Remedyo"), basta't ibabalik ng End User ang nonconforming na Product
sa Teleflex habang nasa nalalapat na Panahon ng Warranty, sa gastos ng End User at magbibigay muna nang
paunang nakasulat na abiso sa Teleflex upang makapagbigay ang Teleflex ng numero ng Return Material
Authorization ("RMA"). Ayon sa pasya ng Teleflex, ang mga produktong ipinapadala sa Teleflex para
sa pagpapalit sa ilalim ng warranty nang walang wastong numero ng RMA na ipinapakita sa labas ng lalagyan
sa pagpapadala ay maaaring ibalik sa End User sa sarili niyang gastos. Ang lahat ng ibinalik na nonconforming
na Produkto ay pagmamay-ari na ng Teleflex. Hanggang sa saklaw na pinapayagan ng batas, maaaring
kumpunihin o palitan ng Teleflex ang hardware ng mga nonconforming na Produkto (a) ng mga bago o dati nang
nagamit na Produkto o mga bahaging katumbas ng bago sa paggana at pagiging naaasahan, o (b) ng mga
katumbas na Produkto sa orihinal na Produkto na hindi na ginagamit. Ang mga Ipinalit na Produkto (o mga
bahagi nito) ay may warranty alinsunod sa natitirang Panahon ng Warranty ng Produktong pinapalitan ng mga
ito. ANG MGA REMEDYONG INILARAWAN DITO AY ANG NATATANGI AT EKSKLUSIBONG REMEDYO NG END USER
OARA SA HINDI PAGGANA NG PRODUKTO UPANG SUMUNOD SA EXPRESS WARRANTY. HANGGANG SA MAXIMUMNA
SAKLAW NA PINAPAHINTULUTAN NG NAANGKOP NA BATAS, ANG EXPRESS WARRANTY AY ANG NATATANGI
AT EKSKLUSIBONG WARRANTY AT IBINIBIGAY ITO KAPALIT NG LAHAT NG IBA PANG WARRANTY, EXPRESS MAN,
IMPLIED O STATUTORY, KASAMA NANG WALANG LIMITASYON ANG MGA IMPLIED WARRANTY NG MERCHANTABILITY,
HINDI PAGLABAG, PAGIGING ANGKOP PARA SA PARTIKULAR NA LAYUNIN, KASIYA-SIYANG KALIDAD O PAGIGING
NAAANGKOP. KUNG ANG DISCLAIMER NG ANUMANG IMPLIED WARRANTY AY HINDI PINAPAHINTULUTAN NG
NAAANGKOP NA BATAS, ANG NATURANG EXPRESS WARRANTY AY LIMITADO SA SIYAMNAPUNG (90) ARAW MULA
SA PETSA NG ORIHINAL NA PAGBILI. MALIBAN SA EXPRESS WARRANTY, IBINIBIGAY ANG MGA PRODUKTO NANG
"AS IS" AT IDINISENYO ANG MGA ITO UPANG GAMITIN NG KWALIPIKADONG TAUHAN NG PANGANGALAGANG
PANGKALUSUGAN LANG GAMIT ANG MAKATWIRANG MEDIKAL NA PASYA SA MGA SITWASYONG MEDIKAL
NA KINAKAILANGAN. TINATANGGIHAN NG TELEFLEX ANG LAHAT NG PANANAGUTANG NAUUGNAY SA MGA
PRODUKTO NA MULA SA ANUMANG PAGGAMIT NG MGA PRODUKTO NA HINDI ALINSUNOD SA MGA NAKALATHALANG
DIREKSYON AT TAGUBILIN SA PAGGAMIT NG TELEFLEX. HINDING-HINDI MANANAGOT ANG TELEFLEX SA END USER,
SA SINUMANG CUSTOMER O SA SINUPAMANG THIRD PARTY ("NAGHAHABOL") SA ANUMANG PARAAN PARA
SA MGA ANUMANG URI NG PINSALA NA ESPESYAL, HINDI NAUUKOL NA BAYAD, KINALABASAN, HINDI
SINASADYA, AYON SA BATAS O PARUSA NA MAGKAKAROON ALINSUNOD SA KONTRATA O SA TORT NA BATAS
(KASAMA ANG KAPABAYAAN AT MAHIGPIT NA PANANAGUTAN SA PRODUKTO), ANUPAMAN ANG URI NG LEGAL NA
PAGKILOS AT KAHIT PA UNA NANG NALAMAN NG TELEFLEX ANG POSIBILIDAD NG ANUMANG MGA NATURANG
PINSALA. ANG KABUUANG PINAGSAMANG SAGUTIN NG TELEFLEX KAUGNAY SA PAGBILI O PAGGAMIT NG MGA
PRODUKTO AY HINDI DAPAT LUMAMPAS SA KABUUAN NG MGA HALAGANG BINAYARAN NG NAGHAHABOL SA LOOB
NG LABINDAWALANG (12) BUWAN PAGKALIPAS NG PETSA NG KAGANAPANG DAHILAN NG PAGHAHABOL LABAN
SA TELEFLEX.
EZ-IO
INTRAOSSEOUS VASCULAR ACCESS

Hide quick links:

Advertisement

Table of Contents
loading

Related Products for Teleflex Arrow EZ-IO

Table of Contents