Ganz zn1_m4fn3 Installation Manual

Pixelpro series
Hide thumbs Also See for zn1_m4fn3:

Advertisement

.
SANGGUNIANG GABAY NG PARENT CONNECT
Mahal Naming mga Pamilya ng Amber Trails,
Sa mundo ng on-line banking, pamimili at pag-access ng lahat ng uri ng impormasyon, walang pagkakaiba ang
mga paaralan. Ang Amber Trails Community School, kasama ng marami pang ibang mga paaralan sa Seven Oaks
School Division ay isinusulong ang sistema ng pag-iwas sa paggamit ng papel na tinatawag na Parent Connect
kung saan makikita sa on-line ang lahat ng karaniwang impormasyon na ibinibigay mula sa paaralan.
Ang Parent Connect ay magpapahintulot sa mga pamilya na:
 Suriin ang pagpasok (nang real time hanggang sa kasalukuyang araw)
 Tingnan ang mga marka at komento sa report card
 Magtakda ng mga oras para sa Komperensya ng Magulang/Guro
 Tingnan at i-edit ang demograpiko (tirahan, impormasyon ng tagapag-alaga at impormasyon ng kontak
para sa emerhensiya)
 Tingnan ang kalendaryo ng paaralan
 Tingnan ang kasalukuyang ruta ng bus ng inyong anak
 Magpadala ng mga mensahe sa mga guro
Higit na mas mahalaga kailanman, na mayroong gumaganang e-mail ang mga pamilya na ibibigay sa paaralan na
regular nilang titingnan. Karamihan ng mga memo at pakikipag-ugnayan mula sa Amber Trails ay magmumula sa
anyo ng isang e-mail sa mga pamilya sa halip na mga papel na memo.
Nauunawaan namin na walang access sa computer ang ilan sa mga pamilya. Nais naming maghandog ng libreng
paggamit ng mga computer sa Learning Commons ng aming paaralan para sa sinumang magulang na kailangan
ng access sa computer. Mangyaring huwag mag-atubiling pumunta sa opisina at ipaalam sa kanila na gagamit ka
ng computer.
Hinihiling namin na gumawa kayo ng isang espesyal na paghiling sa guro ng inyong anak para sa mga papel na
kopya ng mga report card at newsletter.
Umaasa kaming makakatulong sa inyo itong Mapagkukunang Gabay ng Parent Connect. Mangyaring itago sa
bahay ang gabay na ito para sumangguni dito sa hinaharap.
Mangyaring magtuon ng espesyal na pansin sa Report Card na bahagi at sa pagbu-book ng mga oras ng komperensya!
Pahintulot at Mga Password
Ang pinakamadaling paraan para mag-log in sa Parent Connect ay sa pamamagitan ng paggamit ng inyong e-
mail address. Ilagay ang inyong e-mail address (ang isang ibinigay sa paaralan), i-click sa "Select a Student"
(Pumili ng Estudyante) at ilagay ang inyong password. Kung ito ang unang pagkakataon na magla-log in kayo, i-
click ang "Forgot My Password" (Nakalimutan ang Aking Password) at may lalabas na pop-up na kahon.
Hihilingin sa inyong ilagay muli ang inyong e-mail address at padadalhan kayo ng sistema ng isang
pansamantalang password. Maaari rin kayong mag-log in gamit ang numero ng MET, na makikita sa kopya ng
report card ng inyong anak o kaya maaari ninyong tawagan ang paaralan para makakuha nito. Kapag nakapag-
sign na kayo nang matagumpay, hinihikayat ang mga magulang na baguhin ang kanilang password para matiyak
ang pagiging pribado.
Ang mga link para sa Parent Connect ay makikita sa website ng paaralan sa pamamagitan ng pag-click sa
"Parents" (Mga Magulang) o sa pamamagitan ng pag-type ng sumusunod sa address bar:
Parent Connect
sa

Advertisement

Table of Contents
loading
Need help?

Need help?

Do you have a question about the zn1_m4fn3 and is the answer not in the manual?

Questions and answers

Subscribe to Our Youtube Channel

Summary of Contents for Ganz zn1_m4fn3

  • Page 1 SANGGUNIANG GABAY NG PARENT CONNECT Mahal Naming mga Pamilya ng Amber Trails, Sa mundo ng on-line banking, pamimili at pag-access ng lahat ng uri ng impormasyon, walang pagkakaiba ang mga paaralan. Ang Amber Trails Community School, kasama ng marami pang ibang mga paaralan sa Seven Oaks School Division ay isinusulong ang sistema ng pag-iwas sa paggamit ng papel na tinatawag na Parent Connect kung saan makikita sa on-line ang lahat ng karaniwang impormasyon na ibinibigay mula sa paaralan.
  • Page 2 https://schoolconnect.7oaks.org/schoolconnect/parentsignone.aspx (para mag-sign in gamit ang inyong e-mail address) o https://schoolconnect.7oaks.org/schoolconnect/parentsignon.aspx para mag-sign in gamit ang numero ng MET) I-save ang mga link sa inyong mga paborito! Pag-sign In Gamit ang E-mail Para magawa ang unang pagbabago sa password, i-click sa PassWord na tab at sundin ang mga tagubilin para baguhin ang inyong password.
  • Page 3 Ang ilan sa mga tampok ng Parent Connect ay may kasamang: Attendance (Pagpasok) Ang kasalukuyang attendance ay maaaring makita sa pamamagitan ng pag-click sa Attendance (Pumasok) na tab. Dalawang beses araw-araw na inilalagay ang Attendance, ngunit maaaring hindi ito ganap na na-update hangga’t hindi natatapos ang araw ng eskuwela.
  • Page 4 navigate sa programa. Malayang ibahagi ang inyong opinyon sa Parent Connect sa paaralan o tawagan kami para sa anumang mga tanong o alalahanin na maaaring mayroon kayo. PANAYAM NG MAGULANG/GURO Ang layunin ng Parent Connect na Panayam ay upang bigyan ng pagkakataon ang mga magulang na mag-sign up para sa mga online na panayam ng Magulang/Guro, batay sa mga naitakda nang petsa at oras.
  • Page 5 Para makakita ng higit na mas madaling basahing kopya ng inyong mga na-book na appointment, gamitin ang button na Print (I-print) para gumawa ng isang kopyang PDF. Kung mayroon kayong mahigit sa isang estudyante, ipi-print nito ang bawat estudyante sa iba’t-ibang pahina. Para magtakda ng appointment para makipagkita sa isang Tagapangasiwa, Guro sa Pisikal na Edukasyon, Guro sa Musika o Guro para sa Mapagkukunan, mangyaring i-click ang kahong nasa tabi ng “Display ALL Teachers”...

Table of Contents