NOCO Genius GENIUS2EU User Manual & Warranty page 308

Hide thumbs Also See for GENIUS2EU:
Table of Contents

Advertisement

ito ay dinesenyo upang gumana sa mga temperatura sa pagitan ng -4° F at 104° F (-20° C at 40° C). Huwag gamitin sa labas ng mga naturang temperatura. Huwag
kargahan ang nanigas ng baterya. Itigil agad ang paggamit ng produkto kapag uminit nang husto ang baterya. Pagtatago. Huwag gamitin o itago ang iyong produkto
sa mga lugar na may mataas na konsentrasyon ng alikabok o mga elementong dala ng hangin. Itago ang iyong produkto sa patag; ligtas na patungan upang hindi ito
mahulog. Itago ang iyong produkto sa isang tuyong lokasyon. Ang temperatura ng lugar ng pagtataguan ay -20° hanggang 25°C (katamtamang temperatura sa ilalim
ng hood). Huwag lumampas sa 80ºC sa ilalim ng anumang kondisyon. Pagkatugma. Compatible lang ang produkto sa 6V at 12-volt Lead-Acid, AGM, at Lithium na
mga baterya lang. Huwang tangkaing gamitin ang produkto sa ibang uri ng baterya. Ang pagkakarga ng ibang kemistri sa baterya ay maaaring magresulta ng pinsala,
pagkamatay o pinsala sa ari-arian. Tumawag sa tagagawa ng baterya bago tangkaing kargahan ang baterya. Mga Medikal na Aparato. Huwag kargahan ang mga
pacemaker o iba pang mga medikal na aparato. Ang produkto ay maaaring maglabas ng mga electromagnetic field. Naglalalaman ang produkto ng mga magnetikong
piyesa na maaaring makasagabal sa mga pacemaker, defibrillator, o iba pang mga medikal na aparato. Ang mga electromagnetic field na ito ay maaaring makasagabal
sa mga pacemaker o iba pang mga medikal na aparato. Kumonsulta sa iyong doktor bago gamitin kung mayroon kang anumang medikal na aparato kabilang ang mga
pacemaker. Kung may hinala ka na ang produkto ay nakakasagabal sa isag medikal na aparato, itigil agad ang paggamit ng produkto at kumonsulta sa iyong doktor.
Paglilinis. Patayin ang produkto bago subukan ang anumang pagmementena o paglilinis. Linisin at patuyuin agad ang produkto kung ito ay nalagyan ng likido o
anumang klase ng kontaminante. Gumamit ng malambot, walang-himulmol (microfiber) na tela. Iwasan na mamasa ang mga butas. Mga Sumasabog na Kapaligiran.
Sundin ang lahat ng mga tanda at tagubilin. Huwag gamitin ang produkto sa anumang lugar na may kapaligirang posibleng sumabog, kabilang ang mga gasulinahan o
lugar na naglalaman ng kemikal o mga bagay na may maliliit na piraso tulad ng butil, alikabok o metal na pulbura. Mga Aktibidad na May Malubhang Epekto. Ang
produktong ito ay hindi ginagamit kung saan ang pagpalya ng produkto ay maaaring maging sanhi ng pinsala, pagkamatay o malubhang pinsala sa kapaligiran.
Pagsagabal sa Radio Frequency. Ang produkto ay dinisenyo, sinubok at ginawa upang sumunod sa mga regulasyon na namamahala sa emisyon ng radio frequency.
Ang mga naturang emisyon mula sa produkto ay maaaring magbigay ng negatibong epekto sa paggamit ng ibang elektronikong kagamitan, na nagiging sanhi sa hindi
nito paggana. Numero ng Modelo: Genius2 Ang aparatong ito ay sumusunod sa Part 15 ng mga panuntunan ng FCC. Ang paggamit ay napapailalim sa sumusunod
na dalawang kondisyon: (1) ang aparatong ito ay hindi maaaring maging sanhi ng mapaminsalang sagabal, at (2) ang aparatong ito ay dapat gumana kahit na may
sagabal na natanggap, kabilang ang pagtigil ng operasyon. TANDAAN: Ang kagamitan na ito ay sinubukan at nakitang sumusunod sa mga limitasyon para sa isang Class
A na digital na aparato,alinsunod sa Part 15 ng mga panuntunan ng FCC. Ang mga limitasyon na ito ay dinisenyo upang magbigay ng makatwirang proteksyon laban sa
mapaminsalang sagabal kapag ang kagamitan ay ginagamit sa isang komersyal na kapaligiran. Ang kagamitang ito ay lumilikha, gumagamit, at kayang magpadaloy ng
enerhiya ng radio frequency at, kung hindi naka-kabit at ginagamit alinsunod sa manwal ng instruksyon, maaari itong maging sanhi ng mapaminsalang sagabal sa mga
komunikasyon sa radyo. Ang pagamit ng kagamitang ito sa residensyal na lugar ay malamang na maging sanhi ng mapaminsalang sagabal kung saan ang gumagamit
ay kakailanganing itama ang pagsagabal sa kanyang sariling gastos.

Advertisement

Table of Contents
loading

Table of Contents