Maliliit Na Bata; Mga Medical Na Device; Mga Naka-Implant Na Medical Na Device - Nokia 2780 Flip User Manual

Hide thumbs Also See for 2780 Flip:
Table of Contents

Advertisement

Available languages

Available languages

Nokia 2780 Flip User guide
Gamitin ang baterya at charger para lang sa mga itinakdang layunin nito. Ang maling paggamit,
o paggamit ng hindi naaprubahan o mga hindi akmang baterya o charger ay maaaring magdulot
ng peligro ng sunog, pagsabog, o iba pang panganib, at maaaring mapawalang-bisa sa anumang
pag-apruba o warranty. Kung naniniwala kang nasira ang baterya o charger, dalhin ito sa service
center o sa dealer ng iyong telepono bago ipagpatuloy ang paggamit dito. Huwag kailanman
gumamit ng napinsalang baterya o charger. Gamitin lang ang charger sa loob ng mga gusali.
Huwag i-charge ang iyong device kapag kumukulog at kumikidlat. Kapag walang kasamang
charger sa sales pack, i-charge ang iyong device gamit ang data cable (na kasama) at USB
power adaptor (na posibleng hiwalay na ibinebenta). Maaari mong i-charge ang iyong device
gamit ang mga cable at power adaptor mula sa third party na nakakasunod sa USB 2.0 o mas
bago at sa mga naaangkop na regulasyon sa bansa at international at panrehiyong pamantayan
sa kaligtasan. Posibleng hindi nakakatugon sa mga naaangkop na pamantayan sa kaligtasan
ang ibang adaptor, at posibleng magdulot ng panganib na mawalan ng ari-arian o magkaroon
ng personal na pinsala ang pag-charge gamit ang mga ganoong adaptor.
Para alisin sa pagkakasaksak ang isang charger o isang accessory, hawakan at hilahin ang plug,
hindi ang kurdon.
Bukod pa rito, nalalapat ang sumusunod kung may naaalis na baterya ang iyong device:
• Palaging i-off ang device at alisin sa saksak ang charger bago alisin ang baterya.
• Maaaring magkaroon ng aksidenteng short-circuit kapag may dumikit na metallic na bagay
sa mga metal strip na nasa baterya. Maaari nitong mapinsala ang baterya o ang ibang bagay.

MALILIIT NA BATA

Hindi mga laruan ang iyong device at mga accessory nito. Maaaring maglaman ng maliliit na
piyesa ang mga ito. Ilayo ang mga ito sa naaabot ng maliliit na bata.

MGA MEDICAL NA DEVICE

Ang paggamit ng mga radio transmitting na kagamitan, kabilang ang mga wireless na telepono,
ay maaaring makagampala sa paggana ng mga hindi sapat na napoprotektahang medical na
device. Komunsulta sa isang manggagamot o sa manufacturer ng medical na device para
tukuyin kung ito ay sapat na napoprotektahan mula sa panlabas na radio energy.

MGA NAKA-IMPLANT NA MEDICAL NA DEVICE

Para maiwasan ang posibleng interference, inirerekomenda ng mga manufacturer ng
mga ini-implant na medical na device (gaya ng mga cardiac pacemaker, insulin pump, at
neurostimulator) ang minimum na 15.3 sentimetro (6 na pulgada) na layo sa pagitan ng wireless
na device at medical na device. Ang mga taong may mga naturang device ay dapat:
© 2022 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan.
26

Hide quick links:

Advertisement

Table of Contents
loading

Table of Contents