Mga Copyright At Iba Pang Mga Abiso - Nokia 3310 3G User Manual

Hide thumbs Also See for 3310 3G:
Table of Contents

Advertisement

Available languages

Available languages

Nokia 3310 3G User guide
Sa karaniwang paggamit, ang mga value ng SAR ay kadalasang mas mababa sa mga value na
nabanggit sa itaas. Ito ay dahil, para sa mga layunin ng mahusay na paggana ng system at para
mabawasan ang interference sa network, ang lakas sa pagpapagana ng mobile device mo ay
awtomatikong nababawasan kapag hindi kinakailangan ang buong lakas para sa tawag. Kapag
mas mababa ang power output, mas mababa ang value ng SAR.
Maaaring may iba't ibang bersyon at mahigit sa isang value ang mga modelo ng device.
Maaaring magkaroon ng mga pagbabago sa bahagi at diensyo sa paglipas ng panahon at
maaaring makaapeekto ang ilan sa mga value ng SAR.
Para sa higit pang impormasyon, pumunta sa www.sar-tick.com. Tandaan na ang mga mobile
device ay maaaring nagta-transmit kahit na hindi ka tumatawag.
Isinaad ng World Health Organization (WHO) na ang kasalukuyang siyentipikong impormasyon
ay hindi nagpapahiwatig ng pangangailangan ng anumang espesyal na pag-iingat kapag
gumagamit ng mga mobile device. Kung interesado ka sa pagbabawas ng iyong pagkakalantad,
inirerekomenda nila na limitahan ang iyong paggamit o gumamit ng hands-free kit para
mailayo ang device sa iyong ulo at katawan. Para sa higit pang impormasyon at paliwanag
at talakayan tungkol sa RF exposure, pumunta sa website ng WHO sa
www.who.int/health-
topics/electromagnetic-fields#tab=tab_1.

MGA COPYRIGHT AT IBA PANG MGA ABISO

Pahayag ng Pagsunod
Ipinapahayag dito ng HMD Global Oy (Ltd.) na sumusunod ang produktong ito sa mahahalagang
kinakailangan at iba pang mga may kaugnayang probisyon ng Directive 2014/53/EC. Makikita
ang isang kopya ng Pahayag ng Pagsunod sa
www.nokia.com/mobile-declaration-of-
conformity.
Maaaring mag-iba-iba ayon sa rehiyon ang availability ng mga produkto, feature, app at
serbisyo. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa iyong dealer o iyong service
provider.
Maaaring maglaman ang device na ito ng mga kalakal, teknolohiya o software na nasasaklawan
ng mga batas at regulasyon sa pag-export sa US at iba pang mga bansa. Ipinagbabawal ang
dibersyong labag sa batas.
Ipinagkakaloob nang "walang pagbabago" ang mga nilalaman ng dokumentong ito. Maliban
kung kakailanganin ng naaangkop na batas, walang warranty ng anumang uri, inihayag
man o ipinahiwatig, kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, mga ipinahiwatig na warranty ng
kakayahang mabenta at kaangkupan para sa isang partikular na layunin, ang ginawa na may
kaugnayan sa katumpakan, pagkamaaasahan o mga nilalaman ng dokumentong ito. Nakalaan
sa HMD Global ang karapatang baguhin ang dokumentong ito o bawiin ito anumang oras nang
walang paunang abiso.
Hanggang sa pinakamalawak na hangganang pinahihintulutan ng naaangkop na batas,
hindi kailanman mananagot sa anumang sitwasyon ang HMD Global o sinuman sa mga
tagapaglisensya nito para sa anumang pagkawala ng data o kita o anumang mga espesyal,
nagkataon, kinahinatnan o hindi direktang mga pinsala paano man ito naidulot.
© 2022 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan.
50

Advertisement

Table of Contents
loading

Table of Contents